i was pissed because i had to walk with my slippers while it was raining. little did i know that more temper raising things were yet to unveil.
ok. nalaman ko na nagtaas ng 1.50 yung gas per liter. leche! dati nasabi ko sa sarili ko na kapag nag-land na sa line of 60 yung presyo ng v-power lilipad na kami papuntang ibang bansa. aysus! ang kapal ng muka ko sabihin yun, akala ko kasi hindi mangyayari. surprise, surprise. P61.35 per liter na ang presyo ng shell v-power (sorry kung ito napagdidiskitahan ko, ito kasi madaling makita dahil naka-electronic billboard). wala ng mararating ang 1000 mo dahil 9 liters na lang kayang punuin nun. at ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ay nagreresulta sa pagtaas ng pamasahe. hindi ito nakabubuti dahil hindi naman tumataas ang sweldo ng mga magulang namin. ang tanging tumataas ay ang nakukurakot ng mga politiko sa kaban ng bayan dahil sa taas ng buwis. nakakalungkot isipin na unti-unting nawawalan ng pag-asa ang mga tulad ko na nagpupumilit pa rin mahalin ang bansang ito sa kabila ng kanyang mga kapintasan.
at maalala ko lang, noong isang araw, huwebes, umuwi ako sa bahay namin galing sa dorm. nung nasa fx na kami pinahinto kami ng police car na nasa harap namin. sa una, na-bad trip ako sa isang madamot na kadahilanan na nakapag bayad na ako at nakakainis kung pabababain pa kami. turns out, merienda time lang pala ng mga mokong dahil humihingi lang ata ng dilihensya. naman. mas malaki pa kinikita niyo kaysa sa driver ki-kick back pa kayo? konting hiya naman, konting utak na din. hindi ako nagiging general dito, naiinis lang talaga ako sa tatlong (or apat ata) pulis na yon.
tapos nabalitaan ko din from a friend na snatcher daw yung barker sa lrt santolan. what the f***?! you mean everyone's not safe because any minute someone from behind could swipe their belongings? so much for commuting and all the hassles one encounters with it. pangpalubag loob lang natin sa mass transportation ay nakaka-prevent tayo kahit papaano ng global warming.
ang gulo ng mundo. bakit dati simple ito ngunit masaya naman ang tao?
1 comment:
you know what, you're right. kawawa naman yung mga taong minamahal pa din ang pilipinas sa kabila ng lhat ng kapangitan nito. ako nga eh, di ko maisip na lilisanin ko ito balang araw. :c
Post a Comment